--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip sa isinagawang drug buy bust operation ng mga kasapi ng Alicia Police Station ang dalawang mag-aaral na taga bayan ng San Isidro, Isabela

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/ Sr. Insp. John Orani, hepe ng Alicia Police Station ang mga nadakip ay itinago sa mga pangalang Jeff at Paul, kapwa 17 anyos at Grade-11 sa isang paaralan sa Santiago City.

Ayon kay Sr. Insp. John Orani, isang tokhang responders ang nagtungo sa himpilan ng pulisya at ipinaalam ang balak ng dalawang suspek na magbenta ng illegal ng droga sa Alicia.

Mismong ang hepe ang nakipagtransaksiyon sa dalawang kabataan na nakipagkasundong magkakaabutan sa compound ng isang simbahan.

--Ads--

Nakuha sa pag-iingat ng dalawang mag-aaral ang isang plastic na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at marked money.

Umamin ang isa sa dalawang suspek na isa siyang drug surrenderer sa bayan ng San Isidro at mayroon din silang binanggit na pangalan ng mga supplier sa Santiago City.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa dalawang mag-aaral.