--Ads--

CAUAYAN CITY – Nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa humantong sa saksakan ang naganap na inuman sa Villa Imelda, Ilagan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula kay P/Supt. Ronald Laggui, ang public information officer ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), kinilala ang nasawi na si Jaime Benzal, 55 anyos, habang ang suspek ay si Jelfrey Layugan, 40 anyos, kapwa magsasaka at residente ng lugar.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Ilagan City Police Station na ang biktima at suspek ay nagkaroon ng inuman na humantong sa mainitang pagtatalo.

Umalis ang suspek sa nasabing lugar subalit sinundan siya ng biktima at sinuntok.

--Ads--

Dahil dito ay kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang biktima sa ibat ibang parte ng kanyang katawan.

Bagama’t isinugod pa sa San Antonio Hospital ang biktima subalit ideneklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

Agad naman nadakip ang suspek na sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya.