--Ads--

CAUAYAN CITY- Magkahiwalay na inaresto ang dalawang magsasaka na may kasong rape sa mga bayan ng Alicia at Jones, isabela.

Naaresto ang numero unong wanted sa batas sa municipal level na si Ronald Villanueva, 36 anyos, residente ng barangay Sto Domingo, Alicia, Isabela.

Ito ay bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ariel Palce ng RTC branch 40 Cauayan City sa kasong qualified rape.

Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

--Ads--

Dinakip naman ng ng mga kasapi ng Jones Police Station si Roy Furuc, 42 anyos residente Addalam Jones, Isabela.

Isinilbi ng mga pulis ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Bonifacio Ong ng RTC branch 24 ng Echague.

Walang piyansa na inirekomenda ang hukuman para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Nakatakdang ipasakamay ng pulisya sa mga court of origin ang dalawang suspek.