--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang dalawang menor de edad sa banggaan ng dumptruck at kolong-kolong sa lansangang nasasakupan ng San Placido, Roxas, Isabela.

Ang mga biktima ay sina Hanz Charlie Viado, tsuper ng kolong-kolong, Grade 10 student at angkas na si Jhonrence Esquivel, parehong 16 anyos at kapwa residente ng Rizal, Roxas, Isabela.

Ang driver ng dumptruck ay si Danilo Anog, 49 anyos at residente ng Sinamar, Roxas, Isabela.

Batay sa pagsisiyasat ng Roxas Police Station, binabagtas ng dumptruck ang nasabing daan patungong kanluran habang patungo ang kolong-kolong sa kasalungat na direksiyon nang bigla umanong lumipat sa kabilang linya ang kolong-kolong sanhi para mabangga ito ng dumptruck.

--Ads--

Dahil sa lakas ng banggaan ay nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang mga biktima na sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Agad namang sumuko ang tsuper ng dumptruck matapos ang aksidente at nakapiit na sa Roxas Police Station.

Siya ay sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property.