--Ads--

CAUAYAN CITY- Dinakip ng mga otoridad ang dalawang tulak ng iligal na droga sa Purok 3, Barangay San Nicolas Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan naaresto ang mga suspek na sina Jeffrey Pellicer y Gurat, aka ‘puroy’ 41-anyos, binata, Construction worker at residente ng Purok 3, Brgy San Nicolas, Bayombong Nueva Vizcaya at Melchor Mallari, 44- anyos, may asawa, at residente ng Poblacion West, Lamut, Ifugao.

Nabili ng nagpanggap na buyer sa dalawang suspek ang 0.70 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 4,760.00 habang nakuha din sa pag-iingat ng dalawa ang 1.43 na gramo ng shabu na nagkakahalaga naman ng Php 9,724.00.

Sa pinagsanib na pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (Lead Unit) at Municipal Drug Enforcement Unit ng Bayombong Police Station sa koordinasyon ng PDEA RO 02 ay matagumpay ng naaresto ang mga nabanggit na suspek.

--Ads--