--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatala intelligence watchlist ng PNP National Headquarter sa Camp Crame, Quezon City ang dalawang nadakip sa pamamagitan ng drug buy bust operation sa Gamu, Isabela.

Ayon kay P/Supt. Ronald Laggui, Police Community Relations Officer ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang mga suspek ay sina Alex Sabin, 31 anyos, residente ng District 2, Gamu, Isabela at Rommel Ramirez, 25 anyos, may-asawa, residente ng District 1, Gamu, Isabela.

Sa pamamagitan ng magkasanib na puwersa ng Gamu Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency ( PDEA ) Region 2 ay isinakatuparan ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang suspek at pagkasamsam ng 2 plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalang shabu.

Nasamsam din sa kanilang pag-iingat ang limang daang pisong marked money at bilang boodle money .

--Ads--

Ang mga suspek at dinala sa Gamu Police Station para sa kaukulang disposisyon.