--Ads--
Panibagong Aviation incident ang naitala sa Estados Unidos na magbanggaan sa ere ang dalawang maliit na eroplano sa Marana Regional Airport sa Arizona na ikinasawi ng hindi bababa sa dalawang tao , ayon sa mga awtoridad.
Ayon sa mga imbestigador ng Federal Aviation Administration, dalawang tao ang nasa bawat eroplano nang magbanggaan ang mga ito malapit sa Marana Regional Airport sa labas ng Tucson.
Isa sa mga eroplano ay ligtas na nakapag-landing, habang ang isa naman ay bumagsak malapit sa isang runway at nagliyab, ayon sa National Transportation Safety Board batay sa mga paunang impormasyon bago dumating ang kanilang mga imbestigador.
Kinumpirma ng Marana Police Department ang dalawang nasawi matapos tumugon sa aksidente.
--Ads--