--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagtamo ng sugat sa katawan ang dalawang katao matapos na mabangga at makaladkad pa ng bus ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Minanga Tumauini, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Melchor Aggabao Jr., hepe ng Tumauini Police Station, sinabi niya na magkasunod na bumabaybay sa kalsada ang bus at motorsiklo.

Sa initial investigation lumalabas na ang sakay ng single motorcycle ay mula sa Ilagan City habang ang bus ay pauwi ng Cagayan ng makarating sa Minanga Bridge ay hindi umano napansin ng driver ng bus ang motorsiklo sa harapan sanhi para masalpok ito.

Pumasok aniya ang motorsiklo sa bumper ng bus at nakaladkad pa ng 50 hanggang 70 metro ang layomula sa point of impact.

--Ads--

Mapalad na lamang aniya at minor injury gaya ng ilang sugat at pasa sa katawan lamang ang natamo ng driver at back rider ng motorsiklo.

Aminado naman si Pmaj. Aggabao na sadayang madilim sa lugar kung saan naganap ang aksidente sa Minanga Bridge dahil kasalukuyan itong under construction, isang lane lamang aniya ng kalsada ang maaaring magamit sa tulay at hinati lamang ito para sa opposite traffic flow.

Bilang tugon sa mga naitatalang aksidente ay nakipag-ugnayan sila sa DPWH at naaprubahan na ang paglalagay ng karagdagang traffic sinages sa buong Bayan.

Nag paalala naman siya sa mga motorista na mag ingat sa pagmamaneho at kung hindi kabisado ang kalsada ay magdahan dahan lamang.