--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasugatan ang dalawang katao matapos na masangkot sa banggaan ng tricycle at motorsiklo sa Barangay Cubag Cabagan Isabela.

Pasado alas otso ng gabi naganap ang aksidente sa kahabaan ng Barangay Cubag partikular sa isang gasolinahan sa lugar.

Ang mga sangkot ay isang single motorcycle na minamaneho Joshua Dela Santos kasama ang kaniyang back rider na menor de edad, residente ng Barangay Mabini Gamu Isabela at isang putting tricycle na minamaneho ni Jomar Malta, 30-anyos na residente ng Barangay Binguang San Pablo Isabela kasama ang isang pasaherong estudyante.

Sa initial investigation ng Cabagan Police Station binabagtas ng tricycle ang kalsada patungo sa town proper habang sumusunod naman dito ang motorsiklo, nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay bumangga ang motorsiklo sa likurang bahagi ng tricycle.

--Ads--

Napag-alaman na ang tricycle ay wala umanong tail light dahilan para mabulaga ang driver ng motorsiklo at bumangga.

Kapwa nagtamo ng sugat ang mga driver ng dalawang sasakyan na agad sinugod sa pagamutan ng MDRRMO Cabagan para malapatan ng lunas.

Ang mga sangkot na sasakyan ay nasa pangangalaga na ng Cabagan Police Station at inaalam na ang kabuuang halaga ng pinsalang naitala sa aksidente.