
CAUAYAN CITY – Nasugatan ang dalawang tao matapos silang tagain ng kanilang kabarangay sa Villa Concepcion, Cauayan City.
Ang mga nasugatan ay sina Marites Manipon, 45 anyos at si Mac Jonard Manipon, 21 anyos habang ang suspek ay si Rafael Domingo, 35 anyos, magsasaka at pawang residente ng nasabing barangay.
Lumabas sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station na ang nakainom ng alak na si Domingo ay nagtungo sa bahay ni Mac Jonar at nagbabanta.
Umawat si Marites sa pambubulahaw ng suspek ngunit sa halip na magpaawat ay kumuha ng panabas at pinagtataga ang ginang.
Umawat Mac Jonard ngunit maging siya ay tinaga ni Domingo.
Nakaganti naman umano ang biktima kaya nagtamo rin ng sugat si Domingo na dinala sa pagamutan at isinailalim sa hospital arrest.










