--Ads--

Umabot sa dalawang porsyento ng mga parolee at probationer sa Lungsod ng Cauayan ang muling nasangkot sa paggamit ng iligal na droga, batay sa datos ng Parole and Probation Office.

Ayon kay Parole and Probation Chief Pedro Almeda Jr., 2% ng 192 subok-laya noong nakaraang buwan ang muling bumalik sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Matapos makaranas ng kalayaan, muli silang na-expose sa iligal na droga. Karamihan sa kanila ay nakararanas ng peer pressure at depresyon kaya muling napapasok sa ganitong gawain.

Nabatid ang datos matapos magsagawa ng surprise drug testing ang tanggapan.

--Ads--

Dahil dito, mas paiigtingin ng opisina ang close monitoring, individual counselling, at koordinasyon upang magabayan ang mga parolee at probationer tungo sa tuluyang pagbabago.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang kanilang community service at pinaaalalahanan sila ng tanggapan na huwag pumalya sa pagre-report upang makamit ang ganap na paglaya.