--Ads--

CAUAYAN CITY– DInala sa ospital ang dalawang nurse na nasugatan matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na closed van sa barangay Santa Cruz, Benito Soliven, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang mga sugatang sakay ng motorsiklo ay ang drayber na si Michael John Ibale, 23 anyos, binata at backrider na si Zyra Boguina, 27 anyos, kapwa nurse at kapwa residente ng San Mariano, Isabela.

Habang ang isuzu closed van ay minamaneho ni Marvin Verdadero, 32 anyos, may-asawa at residente ng San Felipe, Ilagan City.

Ang motorsiklong sinakyan ng dalawang nurse ay patungong San Mariano nang mag-overtake sa sinusundang sasakyan sanhi para umagaw ng linya at nabangga ang nakasalubong na closed van.

--Ads--

Dahil sa nasabing banggaan ay dinala sa pribadong ospital ang mga sakay ng motorsiklo sa Naguillian, Isabela.

Ang dalawang sasakyan na nasangkot sa aksidente at ang tsuper ng closed van ay dinala sa Benito Soliven Police Station para sa kaukulang disposisyon.