--Ads--
Kinumpiska ng US European Command ang dalawang oil tanker na konektado sa Venezuela.
Ayon kay Homeland Security Secretary Kristi Noem, ang isang oil tanker ay isang Russian-flagged oil tanker at konektado sa naturang bansa.
Pinangunahan ng US Coast Guard ang pagkumpiska kung saan isa sa mga ito ay nakuha sa bahagi ng North Atlantic habang ang isa naman ay sa international waters malapit sa Caribbean.
Kasama ng US Coast Guard ang Defense, Justice at State Department.
--Ads--
Ang dalawang barko ay Motor Tanker Bella I at Motor Tanker Sophia na huling nakadaong sa Venezuela.










