--Ads--

CAUAYAN – Naranasan ang dalawang oras na malawakang brownout sa nasasakupan ng Isabela Electric Cooperative 1 at 2 kasama na rin ang Quirino Electric Cooperative matapos magkaaberya ang suspension insulator ng Santiago Substation.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Bb. Nelma Batario, Corporate Communications Officer ng National Grid Corporation of the Phils. North Luzon na isang equipment na komokonekta sa mga pangunahing linya ng mga nasabing electric cooperatives ang dahilan ng brownout.

Sinabi ni Batario na ito ang mga pagkakataon na hindi inaasahan at agad naman nilang nagawan ng paraan habang inaalam pa ng kanilang technical staff kung ano ang partikular na dahilan ng biglang pagkawala ng daloy ng kuryente sa mga nabanggit na lugar.

Ang brownout ay naranasan kaninang mag-alas 9:00am at matapos ang halos dalawang oras ay naibalik din ang tustos ng kuryente.

--Ads--