--Ads--
Dalawa pang labi ang narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatan malapit sa Baluk-Baluk Island, Basilan nitong Miyerkoles, Pebrero 4.
Ito ay bahagi ng patuloy na search and rescue operations sa M/V Trisha Kerstin 3, na lumubog noong Enero 26 habang patungong Jolo, Sulu mula Zamboanga City.
Ayon sa PCG, narekober ang mga labi sa tulong ng mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, at mga mangingisdang volunteer para sa identipikasyon at tamang disposisyon.
Dahil dito, umakyat na sa 45 ang bilang ng nasawi sa insidente, habang nananatili sa 316 ang mga nakaligtas.
--Ads--
Nitong Martes ay kinumpirma rin ng PCG ang posibleng lokasyon ng lumubog na RoRo vessel malapit sa Baluk-Baluk Island.










