--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawa ang patay habang 8 ang nasugatan matapos matumbok kagabi ng truck ang isang kuliglig sa bahagi ng Balug, Tumauini, Isabela.

Dead on arrival sina Viernerson Nabor, 21 anyos, isang binata at Lorita Ganado, 58 anyos na kapwa residente ng Delfin Albano, Isabela.

Nasa malubhang kalagayan naman sina Carlito Torres, 31 anyos; Kristel Ann Ganado, 16 anyos; Joy Dumo, 34 anyos; at Jenny Madriaga, 38 anyos.

Habang apat na mga bata naman ang nagtamo ng bahagyang sugat na sina Sunshine Dumo, 1 taong gulang; Scarlet Joyce Dumo, 6 anyos; Francis Dave Madriaga, 2 anyos at Stephanie Dumo, 9 anyos.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Sr. Insp. Allen Alcido, hepe ng Tumauini Police Station, ang kuliglig ay magtutungo sana sa isang kasalan patungo sa timog na direksyon ng mabangga sa likurang bahagi ng paparating na truck na nagresulta ng pagkakatilapon ng mga biktima.

Agad namang tumakas ang hindi pa nakikilang tsuper ng truck matapos ang naganap na aksidente habang patuloy na nilalapatan ng lunas sa magkahiwalay na pagamutan sa Tuguegarao City at Tumauini, Isabela ang iba pang sugatan.