--Ads--

Dalawang indibidwal ang nasawi habang mahigit 260 ang nasugatan sa serye ng mga aksidente sa motorsiklo sa gitna ng Christmas rush, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes.

Batay sa DOH bulletin mula Disyembre 21 hanggang alas-5 ng umaga ng Disyembre 26, umabot sa 263 kaso ang naitala na may kaugnayan sa road crashes.

Ang bilang na ito ay 7% na mas mababa kumpara sa parehong monitoring period noong 2024. Ang datos ay mula sa 10 sentinel hospitals na regular na sinusubaybayan ng ahensya.

Nag paalala ng DOH sa mga Motorista upang makaiwas sa aksidente ngayong Yuletide season:

--Ads--

Magsuot ng helmet na aprubado ng Department of Trade and Industry (DTI) kapag nakasakay sa motorsiklo, at seat belt para sa mga driver at pasahero ng sasakyan.

Iwasan ang pagmamaneho kung pagod o nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

Sundin ang speed limit at mga road signs para sa ligtas na biyahe.

Siguraduhin ang sapat na tulog (7–8 oras) bago bumiyahe.

Iwasan ang paggamit ng cellphone habang nakasakay sa motorsiklo.