--Ads--

Dalawa ang nasawi habang lima ang sugatan sa pagguho ng isang tulay sa expressway construction site sa South Korea nitong Martes, Pebrero 25.

Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang tatlo iba pang katao na natabunan ng debris.

Sinabi ng opisyal ng interior ministry na dinala na sa mga ospital ang mga sugatang indibidwal.

Ang insidente ay nangyari 9:50 ng umaga sa Cheonan, o 82 kilometro sa timog ng Seoul.

--Ads--

Nag-isyu na ng direktiba si Acting President Choi Sang-mok para gamitin ang lahat ng available resources at mga tao para isagawa ang rescue operation.