
CAUAYAN CITY – Aabot sa 66 na swab samples ang maaring i-test sa loob ng walong oras ng dalawang PCR machines na nasa reference laboratory ng Regional Center for Development ng Department of Health (DOH) region 2 sa Lunsod ng Tuguegarao.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Leticia Cabrera, chief ng Local Health Support Division ng DOH region 2, sinabi niya na bagamat limitado lamang ang kayang nilang i-test bawat araw ay maaaring mag-adjust ng oras ang kanilang mga staff upang makatugon sa pangangailangan ng testing sa rehiyon dos.
Hindi rin nag-iiwan ng malaking backlog ang kanilang mga empleyado upang makaagapay sa pangangailangan ng swab test.
Mayroon din silang sinusunod na guidliness sa pagkuha ng swab test ng mga suspect case.
Muli nagpaalala ang DOH REGION 2 sa mga mamamayan na manatiling sumunod sa guidelines at protocols upang makaiwas sa COIVD-19 tulad ng ng pagsusuot ng face mask, pagsunod sa social distancing at paghuhugas ng mga kamay..










