CAUAYAN CITY– Dalawang panibagong kaso na positibo sa COVID-19 muli ang naitala sa Cagayan Valley na nagdadala sa kabuoang bilang ng mga kaso sa rehiyon, sa apatnapu’t isa.
Ang pang apatnapung kaso na naitala ay isang 31 anyos na lalaki, mula sa Echague, Isabela.
Ang pasyente ay nakarating sa Pilipinas mula sa Bahrain June 7, 2020 at nakarating sa kanilang bayan noong June 11, 2020.
Nakaranas ang pasyente ng lagnat at ubo na unang naitala noong June 13, 2020 na kanyang ipinakonsulta kinabukasan.
Siya ay isinailalim sa swab test na nagpositibo ang resulta
Siya ngayon ay nasa pangangalaga ng Southern Isabela Medical Center o SIMC.
Ang pang-apatnapu’t isang COVID patient ay isang 41 anyos na na lalaki na mula sa Angadanan, Isabela.
Isang OFW na mula sa Abu Dhabi at nakarating sa Pilipinas noong April 18, 2020 sa Maynila kung saan siya ay na-quarantine at nagkaroon ng negatibong resulta nang masuri para sa COVID-19.
Ang pasyente ay nakarating sa kanilang bayan noong June 5, 2020 at napag-alamang nakasalamuha sa isang nagpositibo sa COVID-19 na mula naman sa Tabuk City, Kalinga.
Ang pasyente ay isinailalim sa swab test at positibo ang resulta.
Sa kasalukuyan, ang pasyente ay walang nararanasang sintomas ng sakit na ngayon ay nasa pangangalaga ng Lokal na Pamahalaan ng Angandanan at nakatakdang ilipat sa SIMC.
Masusi na ang isinasagawang contact tracing para sa lahat ng posibleng nakasamaluha ng mga nagpositibong kaso ng DOH sa pamamagitan ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, katuwang ang DILG, PNP kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, at Lokal na Pamahalaan ng Echague at Angadanan.
Sila ay nagtutulong tulong ngayon upang maisagawa ang contact tracing, para agad na matukoy ang naging “close contacts” ng pasyente.