--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakapagtala ng dalawang electrical post fire o nagliyab na poste ng kuryente ang Bureau of Fire Protection- Cauayan City dahil sa naranasang malakas na hangin at ulan sa lungsod.

Magkasunod na nirespondehan ng BFP Cauayan ang nagliyab na poste ng kuryente sa Brgy. San Fermin at Brgy Tagaran Cauayan City habang kasagsagan ang pag-ulan.

Agad namang naagapan ang posibleng malawakang short circuit na pinsalang dulot ng sunog.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Officer 1 Dennis John Deundo ng BFP Cauayan, sinabi niya na madalas maitala ang ganitong klase ng sunog tuwing tag-ulan.

--Ads--

Ang mga sanga ng puno na naididikit sa transformer o kable ng kuryente ay malimit na sanhi ng pag-liyab at dahilan ng brownout o blackout.

Kaugnay nito, pinaalalahanan niya ang mga residente na huwag subukang buhusan ng tubig ang mga kable at poste kung ito ay nasusunog dahil mas lalong magliliyab ito at posibleng makakuryente.

Kung sakali man aniya na makakita ng nagliliyab na poste, agad itong ipagbigay alam sa ISELCO at BFP para agad na matugunan