--Ads--

Ginawaran ng medalya at binigyan ng tulong pinansiyal ni PRO 2 Regional Director PBGen. Antonio Marallag Jr. ang dalawang nasugatang pulis ng Cauayan City Police Station matapos na araruhin ng isang van ang inilatag na COMELEC Checkpoint sa Barangay Minante II, Cauayan City, Isabela kagabi.

Matatandaan na kapwa nasugatan sina PCMS Arvin Gammad at Pat Jonathan Reyes, matapos ang aksidente kung saan sinalpok ng Van na minamaneho ni William Amurao, Jr. ang sinusundan nitong sasakyan sa COMELEC Checkpoint.

Unarito nagpahayag ng kalungkutan ang pamunuan ng Cauayan City Component Police Station ang nangyaring insidente sa Minante 2, Cauayan City na ikinasugat ng dalawang Pulis.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Plt. Col. Ernesto Nebalasca Jr., Chief of Police ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na ginagampanan lamang ng mga kapulisan ang kanilang tungkulin kaya naman nalulungkot sila sa sinapit ng dalawa sa mga ito.

--Ads--

Bagaman ganito ang nangyari ay hindi naman ibig sabihin na titigil na sila sa paggampan ng kanilang mandato dahil bahagi ito ng kanilang sinumpaang tungkulin.

Giit nit Plt. Col. Nebalasca na wala namang pagkukulang sa isinagawa nilang Comelec Checkpoint

Sapat ang mga early warning sign at well-lighted din ang lugar kung saan pumwesto ang kaniyang mga tauhan.

Bukod pa rito, may flashlight din na hawak ang mga pulis kapag nagsasagawa ng checkpoint

Sinabi rin ng opisyal na may tulong na magmumula sa pamahalaan para sa dalawa nitong tauhan.

Sa ngayon ay kasalukuyan nang nagpapagaling ang mga biktima.