Tinanggal sa puwesto at kinasuhan ang dalawang pulis matapos makatakas ang dalawang person under police custody (PUPC) sa Mariveles, Bataan, nang tumalon sila mula sa PNP patrol car habang pabalik sa presinto.
Kasalukuyang inihahanda ang kasong administratibo laban sa dalawang pulis, isang Police Chief Master Sergeant at isang Police Senior Master Sergeant, na parehong nakatalaga sa Mariveles Municipal Police Station, at dinisarmahan na sila ng kanilang service firearms.
Patuloy ang manhunt operation ng pulisya para sa muling pagkakadakip sa dalawang nakatakas na PUPC, na nakilalang sina Junjun Jimenez, 33, at Jaypee Laquisan, 33, na parehong may kasong paglabag sa RA 10833 o Anti-Carnapping Law.
Ayon sa ulat, nadiskubre ang pagkawala ng dalawang preso kahapon ng umaga matapos ang inspeksyon, at aminado ang dalawang pulis na natakasan ang mga detainee sa pamamagitan ng pagtalon sa PNP mobile habang pauwi na sa presinto mula sa inquest proceedings sa korte.
Pinag-aaralan pa ng PNP kung may pananagutan sa command ang hepe ng Mariveles Municipal Police Station, na maaaring magresulta rin sa kanyang pagsibak sa puwesto.











