--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Aritao Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 ang dalawang lalaki sa isang drug buy bust operation sa Poblacion, Aritao, Nueva Vizcaya.

Ang Aritao Police Station sa pamumuno ng kanilang hepe na si Police Chief Inspector Geovanni Cejes ay nagsagawa ng anti-illegal drug buy-bust katuwang ang PDEA Region 2 na nagresulta para madakip sina Freddie Ortiz , 27 anyos, may-asawa, residente ng Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya at John Patrick Bernardo, 21 anyos na residente ng Banggot, Bambang, Nueva Vizcaya.

Nasamsam sa pag-iingat ni Ortiz ang isang sachet ng hinihinalang shabu, dalawang cellphones, mahigit Php900.00 cash at buy bust money na Php1,000.00 .

Habang nasamsam kay Bernardo ang isang cellphone, pitakang naglalaman ng mahigit Php6,000.00 cash at isang motorsiklong walang plaka.

--Ads--

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) laban sa dalawang suspek.