--Ads--

CAUAYAN CITY- Inaresto ng mga otoridad ang dalawang lalaking kasama ng binatang napatay noong madaling araw ng Huwebes sa Batal, Santiago City.

Ang mga dinakip ay sina Daniel Mangilit, 29 anyos, security guard at Erwin Culang, mekaniko at kapwa residente ng Brgy. Sinabbaran, Echague.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagtungo ang biktima at ang dalawang kasama nito matapos magkayayaan para magtungo sa bahay aliwan.

Dahil sa nakaparadang motorsiklo ni PO2 Christian Espiritu ay muntik ng madisgrasya ang tatlo kaya sinita nila ang pulis.

--Ads--

Pinagtulungan nilang bugbugin ang pulis at sinubukang agawin ang Cal. 45 baril.

Agad na nagpaputok ang pulis na nagsanhi ng pagkakapatay kay Angelo Ulano, 19 anyos, binata at residente ng Brgy. Sinabbaran, Echague, Isabela habang agad na tumakas ang dalawa dahil sa takot at nagtamo rin ng sugat sa mukha si PO2 Espiritu na dinala sa pagamutan.

Hindi agad pinaalam ng dalawang suspek ang buong nangyari sa pamilya ni Ulano dahil buong akala nila ay ligtas si Ulano at dahil din sa takot.

Ang dalawang suspek ay nasa pangangalaga na ng Santiago City Police Office (SCPO) para sa kaukulang pagsasampa ng kaso.