--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinasakamay ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang dalawang serpent Eagle sa pamunuan ng Ilagan Sanctuary sa lunsod ng Ilagan.

Sa pangunguna ng Police Community Affairs Development Unit ng IPPO katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), pamahalaang lunsod ng Ilagan at mga Advocacy Group mula sa lunsod ay isinagawa ang naturang aktibidad na layong mapangalagaan ang kondisyon ng mga agila na itinuturing ng endangered species.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Joel Dulin, bagong talagang Chief ng PCADU, ipinasakamay ang mga ibon sa kanila ng isang concerned citizen na mula sa Benito, Soliven Isabela.

Aniya, planong ibenta ng residente na nakatagpo sa mga ibon sa isang forested area sa naturang bayan ngunit inireport agad ng naturang concerned citizen sa kinauukulan kaya napigilan.

--Ads--

Ayon kay Maj. Dulin, ang Ilagan Sanctuary ang nakita nilang tamang lugar para pansamantalang mangalaga sa mga agila at tiwala silang maibibigay ng pamahalaang lunsod ang pangangailangan ng mga ibon para makondisyon bago pakawalan sa kagubatan.

Pinaalalahanan naman niya ang publiko na huwag gawing alaga o pet ang mga nahuhuli na endangered species sa halip ay ipasakamay sa mga kinauukulan upang maibigay ang kanilang mga pangangailangan.

Tinig ni PMaj. Joel Dulin.