--Ads--

CAUAYAN CITY – Inirekomenda ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang pansamantalang pagpapasara sa  dalawang slaugther house sa Isabela matapos na makitaan ng African Swine Fever (ASF) virus.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng  Department of Agriculture (DA) region 2, sinabi niya na isa sa mga pinag-aaralang dahilan ng muling pagkalat ng ASF virus sa ilang bayan sa Isabela ay ang patuloy na pagpapalusot ng mga  pribadong sasakyan ng frozen meat o processed meat products na maaaring kontaminado ng virus.

Pinakahuling naitalang kaso ng ASF sa rehiyon ay sa Raniag, Ramon, Isabela noong Abril 2020 subalit nasundan pa ito at naitala ang mga karagdagang kaso sa Roxas, Quezon, Aurora, Luna at Ramon, Isabela.

Ayon kay Regional Director Edillo, tinututukan nila ngayon ang mga natatanggap   nilang ulat may kaugnayan sa kaso ng ASF mula sa iba pang bayan katuwang ang provincial veterinary office at municipal livestock inspector para matiyak na maipatutupad ang protocol para maiwasan ang paglaganap ng ASF virus.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay aabot na sa 448 heads o baboy na ang sumailalim sa culling, 165 baboy ang na-cull sa tatlong barangay sa bayan ng Roxas, 263 sa  tatlong barangay sa bayan ng Quezon, dalawang baboy sa Aurora, 18 sa bayan ng Luna at apat sa Ramon, Isabela.

Ang pahayag ni Regional Execuive Director Narciso Edillo.