UPDATE – Nagdagdag pa ng spillway gate opening ang Dam and Reservoir Division ng NIA-MARIIS dahil sa patuloy na pagtaas ng water level ng Magat Dam dulot ng mga pag-ulan sa Magat Watershed.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan ang Divison Manager ng Dam and Reservoir Division ng NIA-MARIIS sinabi niya na nanatiling nakabukas ang dalawang gate (3 meter) para mapanatiling ligtas ang antas ng tubig sa Magat Dam.
Ang hakbang na ito ng NIA-MARIIS ay upang bigyang daan ang malaking volume ng tubig na pumapasok sa Magat Dam Reservoir dulot ng malalakas na pag-ulan sa kabundukan ng Sierra Madre pangunahin sa Ifugao at Nueva Vizcaya.
Aniya ang pag-ulan sa mga nabanggit na lugar ay dulot ng mga localized thunder storms.
Wala pa rin namang magiging epekto ang pagdadagdag ng NIA-MARIIS ng Dam opening sa magat river.
Inaasahan namang magdadagdag pang muli ng spillway gate opening ang NIA-MARIIS kung magpapatuloy pa rin ang pag-ulan.