--Ads--

CUAYAN CITY – Nanatiling bukas ang dalawang spillway gate ng Magat Dam.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan ang Division Manager ng Dam and Reservoir Division ng NIA-MARIIS sinabi niya na  on going parin ang water release sa Magat Dam dahil nagpapatuloy pa rin ang malalakas na pag-ulan sa Magat Water Shed.

Sa kabuuan ay bukas pa rin ang dalawang spill way gate ng dam na may dalawang metro na opening.

Bahagyang bumababa na ang inflow sa dam kaya naman pinag-aaralan na nilang bawasan ang pinakakawalang tubig mula sa dam depende sa lakas ng pag-ulan at volume ng tubig na papasok sa dam.

--Ads--

Mananatili lamang silang nakaantabay sa weather forecast ng Pagasa sa pag-ulan na dala ng Low Pressure Area at Localized Thunderstorms.