CAUAYAN CITY – Natupok ng apoy ang isang 2 story residential house sa bahagi ng Barangay Calaocan, Bambang Nueva Vizcaya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Officer 2 Tyron Jay Reginalde, Fire Arson Investigator Bambang Fire Station sinabi niya na ang nasunog ay isang 2 storey residential house na pag-aari ni Ginang Pacita Refortcolin, na residente ng Osmena St. Barangay Calaocan, Bambang Nueva Vizcaya.
Sumiklab ang sunog dakong alas dose kwarenta’y dos ng tanghali na umabot sa ikalawang alarma at dineklarang fireout dakong ala-una singko ng hapon.
Kinailangan ng BFP Bambang ng augmentation sa mga tanggapan ng BFP Dupax Del Norte at BFP Bayombong.
Nagawa ng BFP Bambang na mapigilan ang pagkalat pa ang sunog lalo at magkakatabi ng bahay sa lugar.
Batay sa kanilang pagsisiyasat na ang ikalawang palapag ng bahay ay gawa ng light material at ayon na rin sa salaysay ng pamngkin ng may-ari ng bahay na nagising siya na may apoy na sa kisame ng bahay mabilis kumalat ang apoy at natupok ng sunog ang buong bahay.
Wala namang napaulat na nasaktan sa sunog dahil nakalabas ng bahay ang pamangkin ng may-ari ng bahay habang si ginang Pacita ay nasa kaniyang tindahan.
Nagpasalamat naman ang BFP Bambang dahil naging maagap din ang mga residente na nag bucket relay para tumulong sa pag apula ng sunog.