--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang dalawang lalaki makaraang masangkot sa aksidente sa lansangan ang isang tricycle at motorsiklo sa kahabaan ng lansangan sa District 1, Cauayan City.

Ang tricycle ay minamaneho ni Ricky Galabay, 40 anyos, residente ng Andarayan, Cauayan City at ang motorsiklo ay minamaneho ni Oliver Gaboy, 21 anyos, binata, self employed na residente ng Turayong, Cauayan City .

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na ang motorsiklong minamaneho ni Gaboy ay bumangga sa likuran ng tricycle ni minamaneho ni Galabay .

Tumilapon sa Gaboy sa kanyang motorsiklo at nahulog naman si Galabay mula sa kanyang tricycle na nagresulta ng pagkakasugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

--Ads--

Agad dinala ng rescue 922 sa pagamutan ang dalawang biktima.

Nasa malubhang kalagayan si Gaboy na kasalukuyan pa ring inoobserbahan sa isang pribadong pagamutan sa Cauayan City.