--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang isang magsasaka at isang helper nang magsalpukan ang mga minamanehong motorsiklo sa Diarao, Jones.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang mga sangkot sa aksidente ay sina Bregido Aguilar, 55-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng San Vicente, Jones na siyang nagmamaneho ng pulang motorsiklo.

Habang ang isang kulay asul na mototsiklo naman ang minamaneho ni Angelo Sebastián, 27-anyos, may asawa, helper at residente ng Diarao, Jones.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Jones Police Station na patungo si Aguilar sa San Sebastián, Jones nang makarating sa pakurbang bahagi ng daan ay bigla itong nag-overtake sa sinusundan nitong motorsiklo dahilan para masalpok nito ang motorsiklong minamaneho ni Sebastian na nasa kasalungat na direksyon.

--Ads--

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang tsuper na agad dinala sa pagamutan.

Nagtamo rin ng matinding sira ang dalawang motorsiklo.