--Ads--

CAUAYAN CITY – Bibigyan ng  military honors ng 5th Infantry Division Philippine Army (5th ID, PA) ang dalawang sundalo na namatay sa naganap na pagsabog sa Jolo Sulu.

Namatay habang nagseserbisyo sa bayan sina Staff Sgt.  Louie  Cuarteros na residente ng  Tuao, Cagayan at Staff Sgt. Manuelito Oria, residente ng  Santiago City  at kapwa kasapi ng  21st Infantry Battalion ng 11th Infantry Division Philippine Army.

Namatay din ang  isang miyembro ng  PNP Special Action Force na  si PSMS  Joe Michael   Langbis na tubong Tuba, Benguet.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Noriel Tayaban, hepe ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th ID, PA ay nagpaabot siya ng pakikidalamhati sa pamilya ng nasawing anim na sundalong miyembro ng  21st IB, PA.

--Ads--

Sa pagdating ng  mga labi nina  Staff Sgt Louie  Cuarteros at at Staff Sgt  Oria  ay gagawaran sila ng military honors ng 5th ID bilang pagpupugay sa kanilang kabayanihan sa bansa.

Ayon kay Major Tayaban, iuuwi ang bangkay ni Staff Sgt  Manuelito Oria sa Lubuagan, Kalinga kung saan siya nakapag-asawa.

Kasalukuyan na ang pakikipag-ugnayan ng 5th ID sa kapamilya ng mga sundalong namatay sa naganap na pagsabog.

Nalulungkot man ang hanay ng militar sa pagkalagas na naman ng ilan nilang kasama dahil sa paghahasik ng karahasan ng mga terorista  ay nananatiling mataas  ang morale ng mga sundalo na ipagpatuloy ang pagtatanggol sa sa bansa.

Ang pahayag ni Major Noriel Tayaban.