--Ads--

CAUAYAN CITY  – Naaresto ng mga miyembro ng Reina Mercedes Police Station ang dalawang hinihinalang sangkot sa illegal na droga sa pagsisilbi ng mandamiento de aresto sa compound ng Hou Town Rice Mill sa Tallungan, Reina Mercedes Isabela.

Ang mga naaresto ay sina Ricardo Cariaga Sr.,  driver at residente ng Apanay, Alicia, Isabela at  Rency Sudio, 32 anyos dalaga at residente ng Talavera, Nueva Ecija.

Ang mga miyembro ng Reina Mercedes Police Station ay magsisilbi sana ng mandamiento de aresto sa isang  Xerxes Inere dahil sa kasong  qualified Estafa nang makita nila mula sa bukas na pintuan ng isang silid sa coumpond ang mga illegal drugs na nasa berdeng mesa.

Dahil dito ay inaresto nila ang dalawang suspek na nasa kwarto.

--Ads--

Sa isinagawang imbentaryo ay umabot ang mga nakumpiska sa 20 transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline na hinihinalang shabu at pera na Php 16,850.00 at mga drug parapehrnalia.

Isinagawa ang imbentaryo sa harap nina barangay kapitan Rogenson Andres at DOJ representative Richmond Derupe.