CAUAYAN CITY – Napikon lamang umano ang dalawang suspek na pumatay sa dalagang nagtitinda sa isang burger stand sa Santiago City.
Sa pulong pambalitaan ay iprinisenta ng mga kasapi ng Santiago City Police Office ang mga suspek na sina Ariel Kim Gabriel, 22anyos na siyang bumaril kay Del Rosario at isang 17 anyos.
Sa pagtatanong ni P/Chief Supt. Percival Rumbaua, City Director ng SCPO ay tahasang inamin ng mga dalawang suspek na napikon sila dahil sa pananalita at pagmumura ng biktimang si Rachelle Del Rosario.
Maraming beses umanong pinagsalitaan ng di kanais nais na salita ng biktima ang mga suspek na kanilang ikinapikon.
Sasampahan ng kaso homicide ang dalawang suspek.
Natukoy ang mga suspek sa pagbaril at pagpatay sa biktima makaraang malinaw ang video footage na kuha ng CCTV Camera na nakalagay malapit sa burger stand na pinaglilingkuran ng dalagang biktima.
Pinaghahanap na rin ng pulisya ang isa pang kasamahan ng dalawang suspek.




