--Ads--

CAUAYAN CITY– Inaresto ang dalawang lalaki dahil sa ginawang pamamaril sa mga bayan ng Cabagan at Cordon, Isabela

Dinakip ng mga kasapi ng Cabagan Police Station  si Bernardo Lago,  42 anyos dahil sa pamamaril sa Chief Security ng Isabela State University  Cabagan Campus na si Randy Morillo, 47 anyos.

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang biktima.

Nakuha sa pag-iingat ng  suspek  ang dalawang M16 armalite rifle na mayroong magazine na may  limang bala  at isang single motorcycle.

--Ads--

Inihahanda na ang kasong frustrated murder laban kay Lago

Samantala, Inaresto naman ng Cordon Police Stationsi  Marvin Oliver Hombre Bueno, 34 anyos  sa Roxas, Cordon, Isabela.

Si Bueno ay inaresto  makaraang ituro  mismo ng  kanya umanong binaril na si Ignacio   Cadiz Jr.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek  ang isang 9mm pistol.

Patuloy namang inoobserbahan sa pagamutan ang biktima.