--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang dalawang taong gulang na bata matapos malunod sa sapa na malapit sa kanilang bahay sa Bantay, Jones, Isabela.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na ang biktima kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na babae ay naiwan sa kanilang tahanan makaraang magtungo sa bukid ang kanilang mga magulang.

Napansin na lamang ng ate ng biktima na nawawala ang kanyang kapatid kaya nagpatulong siya sa kanilang mga kapitbahay.

Natagpuan ang bata sa sapa na malapit sa kanilang bahay na pinaniniwalaang nalunod.

--Ads--

Kaagad dinala sa ospital ang bata ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

Samantala, natagpuan ng isang mangingisda ang katawan ng isang binata na nalunod sa ilog sa Dalibubon, Jones, Isabela noong araw ng Sabado.

Ang biktima ay si Winston Victoriano, 19-anyos at residente ng Purok 2, Dalibubon, Jones.

Hindi naman isinasantabi ng pulisya na maaring nagkayayaang mag-inuman ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan sa lugar at napag-isipang lumangoy sa nasabing ilog na hinihinalang dahilan ng pagkakalunod nito sa kabila ng mahigpit na pagpapaalala sa publiko na ipinagbabawal na magtungo ang mga residente sa ilog habang kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine.