CAUAYAN CITY– Patuloy na nagpapagaling sa magkahiwalay na pagamutan ang dalawang lalaki na biktima ng pananaksak sa Brgy. Magsaysay, Naguillian,Isabela
Ang mga nasugatang biktima ay sina Francis Job Vergara, 34 anyos, isang tsuper at Jomarie dela Cruz na kapwa residente ng nasabing barangay.
Kinilala naman ang nadakip na mga suspek na sina Mario dela cruz, isang mag-aaral at Voltaire Pasion, isang gwardya at kapwa residente rin ng Magsaysay,Naguillian,Isabela.
Lumalabas sa pagsisiyasat na habang nag-uusap sina Vergara at Jomarie Dela Cruz ay dumating si Pasion at sinuntok si Jomarie.
Dahil dito ay gumanti umano si Jomarie na nagresulta ng pagtutulungan ng dalawang biktima at sinuntok si Pasion.
Sumaklolo rin ang isa pang suspek na si Mario Dela Cruz at sinaksak si Vergara sa kanyang tiyan habang may tama rin sa kanyang kaliwang balikat si Jomarie Dela Cruz.
Agad dinala ang mga biktima sa magkahiwalay na pagamutan sa Cauayan City ang mga biktima habang nadakip naman ang dalawang pinaghihinalaan.




