--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsasagawa ng retrieval operation ang rescue team at mga pulis sa dalawang tao na natabunan ng lupang kanilang hinuhukay sa San Antonio, Delfin Albano, Isabela.

Ang natabunan ng gumuhong lupa ay sina Dominador Reyno Sr., isang karpintero at Jay Manalo, isang magsasaka na kapwa residente ng Villa Perida, Delfin Albano, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Insp. Andy Orilla, hepe ng Delfin Albano Police Station na mayroong nag-ulat sa kanilang himpilan na may dalawang tao na natabunan ng gumuhong lupa na agad nilang tinugunan.

Nahihirapan ang mga otoridad na makuha ang katawan ng mga biktima dahil sa matubig at malambot ang lupang gumuho at nangangailangan ng backhoe para sila ay marecover .

--Ads--

Mano mano ang ginagawang retrieval operation sa mga biktima.

Ayon kay Chief Insp. Orilla, narinig ng ilang mamamayan ang sigaw ng dalawang biktima bago matabunan ng gumuhong lupa.

Nakakuha ang mga otoridad ng pala at water pump sa pinangyarihan ng pagguho ng lupa.