CAUAYAN CITY- Dalawa na ang naitalang patay sa Ilagan City dahil sa kagat ng nauulol na aso.
Dahil dito ay lalo pang paiigtingin ng pamahalaang lunsod ng Ilagan ang kanilang kampanya laban sa mga galang hayup pangunahin na ang mga aso upang maiwasan kundi man mabawasan ang mga kaso ng kagat ng aso na nagsasanhi ng rabies.
Maging sa loob ng pamilihang lunsod ay regular na umaalingawngaw ang apela para sa mga mamamayan na namamalengke na alalahanin ang ordinansang umiiral na sila ay mamumulta kapag nahuli ang kanilang galang aso.
Kasabay din ang isa pang babala na ngayon ay sumisikip na ang mundo ng mga naninigarilyo dahil hanggang ngayon ay wala pang itinalagang smoking area sa loob at labas ng palengke.
Maging ang mga nagtitinda ng sigarilyo na lantad sa mga tao ay binagbawalan na ring magtinda.




