--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang dalawang lalaki matapos masangkot sa magkahiwalay na aksidente sa Isabela.

Nasawi si Noel Millante, 45-anyos, may- asawa at residente ng Barangay San Fabian matapos mahulog sa sinasakyang motorsiklo at magulungan ng tricycle na minamaneho ni Jonathan Macarilay, 27-anyos, may-asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Salay.

Dinala pa sa pagamutan si Millante subalit idineklara ring dead on arrival habang ang suspek ay dinala sa Echague Police Station at mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

--Ads--

Samantala,Patay din ang isang magsasaka na sakay ng motorsiklo matapos makabanggan ang isang Van sa Brgy. San Jose, Roxas, Isabela.

Nasawi si Christian Paul Castillo, 24-anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Sitio Gabit Brgy Sotero Nuesa, Roxas Isabela matapos mahagip ng Van ang sinasakyang motorsiklo nito.

Nagtamo ng malalang sugat ang tsuper ng motorsiklo na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.