--Ads--

CAUAYAN CITY- Dalawang tao ang patay sa banggaan ng isang truck at motorsiklo sa Bonfal Proper, Bayombong Nueva Vizcaya.

Namatay ang nagmamaneho ng motorsiklo na si Van Diclas, 22 anyos, binata at kanyang backrider na si Arlyn Uyaan, 22 anyos, isang mag-aaral, dalaga at kapwa residente ng Antotot, Kasibu,Nueva Vizcaya.

Habang ang nagmamaneho ng truck ay si Randy Bayas, 47 anyos, may-asawa at residente ng Carulutan, Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya.

Habang minamaneho ni Diclas ang kanyang motorsiklo ay bigla na lamang bumangga sa kasalubong na truck.

--Ads--

Dahil sa lakas ng banggaan ay tumilapon ang mga sakay ng motorsiklo na nagsanhi ng kanilang kamatayan.

Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng pulisya sa banggaan ng truck at motorsiklo na ikinamatay ng dalawang tao