--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang dalawang tao sa naganap na pamamaril sa mismong loob ng bakuran ng paaralan sa Barangay Manano, Mallig, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang mga biktima ay sina Jacinto Alagano Sr. 41 anyos, may-asawa residente Sitio Villa Corazon, Manano, Mallig, Isabela at Roger Benitez, may-asawa , retired Sangguniang-Bayan Secretary at residente ng Casili, Mallig, Isabela.

Naganap ang pamamaril sa mga biktima habang sila ang nasa entablado ng Community Center sa loob ng Manano Elementary School Annex sa barangay Manano, Mallig, Isabela.

Ang dalawang biktima kasama ang ilang kawani ng isang pribadong bangko ay nag-sponsor ng isang feeding program nang lumapit ang isang lalaki at pagkatapos ay pinagbabaril ng maraming beses sina Alagano at Benitez.

--Ads--

Agad na tumakas ang suspek at sumakay sa isang naghihintay na motorsiklong walang plaka sakay ang isa pang pinaghihinalaan.

Agad na dinala sa pagamutan ang dalawang biktima.