--Ads--

Isang maintenance worker ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nasawi nitong Huwebes ng umaga matapos matabunan ng landslide sa gitna ng tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng shearline at Northeast Monsoon.

Ayon sa ulat, lima ang maintenance staff na nagmamando ng trapiko habang nagsasagawa ng clearing operations nang biglang gumuho ang lupa.

Tatlo sa mga manggagawa ang nagawang agad maka alis, habang ang isa ay nakahawak sa isang poste ng kuryente at nagtamo lamang ng sprain. Ang ikalimang worker naman ay natabunan ng gumuhong lupa at dinala sa Rural Health Unit, kung saan siya kalaunang binawian ng buhay.

--Ads--

Maliban sa halos isang linggong tuloy-tuloy na pag-ulan ay naramdaman din umano sa bayan ng Sta. Praxedes ang magnitude 5.0 na lindol na tumama sa Ilocos Norte kahapon, Nobyembre 27 na maaaring isa sa mga naging sanhi ng pagguho ng lupa sa naturang lugar.