Arestado ang dalawang tinedyer sa isinagawang drug buy bust operation ng ng mga otoridad sa Barangay Vista Alegre, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Agent Rosario Abella, Provincial Information Officer ng PDEA Nueva Vizcaya sinabi niya na ang dalawang suspek na edad labing at labing siyam, mga residente ng Barangay Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya ay nagbenta umano ng tatlong plastic sachet ng marijuana Kush na may tinatayang halaga na P3,800 sa pulis na nagpanggap na buyer.
Dahil dito ay agad na inaresto ang mga ito at nakuha rin sa kanilang pag-iingat ang siyam na maliliit na plastic sachet na naglalaman ng marijuana kush na nagkakahalaga ng P12,000 maging ang isang cellophane bag na naglalaman ng pinatuyong dahon, stalk at bulaklak ng marijuana na nagkakahalaga ng P18,000.
Maliban dito ay nasamsam din ang isang vape cartridge na naglalaman ng marijuana oil na nagkakahalaga ng P3,000 at iba pang personal na gamit ng mga suspek.
Matapos ang imbentaryo ay dinala ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Bayombong Police Station at sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pagkakaaresto sa dalawang suspek ay naging matagumpay sa pamamagitan ng operasyon ng PDEA R02 at pulisya ng Nueva Vizcaya.