--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinukumpleto na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang inspection para maipatupad na ang inter-regional point to point transport system sa Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Atty. Constatnte Foronda, Provincial Public Safety Officer na ang ibig sabihin ng point to point ay hindi puwedeng magbaba ng pasahero ang bus na aalis mula sa terminal sa Metro Manila patungong terminal sa Isabela.

Sa Isabela aniya ay dalawa ang designated end points,  ang SM bus terminal  sa Cauayan City at  ang Central Transport terminal sa Alibagu, City of Ilagan.

Ayon kay Atty. Foronda, mungkahi ng pamahalaang panlalawigan na kung ang isang Local Government Unit (LGU) ay may kakayahan na magkaroon ng terminal tulad sa Cauayan City at City of Ilagan ay papayagang magbaba roon ng pasahero.

--Ads--

Sa kanilang pagsusuri sa dalawang terminal ay nakatugon sa mga requirements ng LTFRB.

Dadaan aniya sa masusing pagsusuri ang mga pasahero ay may mga panuntunan na kailangan nilang sundin para sa kanilang ligtas na biyahe.

Ang pahayag ni Atty. Constante Foronda