--Ads--
CAUAYAN CITY- Sugatan ang dalawang tsuper sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa harapan ng isang gasolinahan sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.
Ang mga sugatang biktima ay sina Edwin Lapat, 29 anyos, may asawa at residente ng Cabisera 18 , Ilagan City at Edison Balicao.
Sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station, ang dalawang motorsiklo ay kapwa patungong poblacion area nang biglang lumiko pakaliwa ang motorsiklong minamaneho ni Lapat na dahilan upang mabangga ng sumusunod na si Balicao.
Bumaliktad ang dalawang tsuper na nagresulta ng sugat sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan na agad dinala pagamutan para sa kaukulang lunas.
--Ads--




