--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawang pamantasan sa ikalawang rehiyon ang naaprubahan na magsagawa ng limited face-to-face classes.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Julieta Paras, panrehiyong direktor ng CHED Region 2 na mula sa 15 na paaralan sa rehiyon na nagpahiwatig na gusto nilang magsagawa ng limited face-to-face classes at nang huling buksan ng CHED ang aplikasyon ay siyam lamang ang nagpasa nang pinaghain nila ng aplikasyon ang mga ito.

Sa siyam na ito ay dalawa na ang pinayagan matapos na maipasa ang lahat ng mga requirements at makapagsagawa sila ng on site inspection.

Kinabibilangan ito ng University of St. Louis sa Lunsod ng Tuguegarao at St. Mary’s University sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

--Ads--

Mayroon na rin silang nainspect na isa pang paaralan sa lunsod ng Santiago.

Nilinaw ni Dr. Paras na hindi lahat ng paaralan ay puwedeng magsagawa ng limited face-to-face classes dahil tanging ang mga papayagan lamang.

Ayon pa kay Dr. Paras, hindi rin lahat ng subject o courses ay mai-aalok kundi pili lamang at ito ay ang mga nirerequire ang mga estudyante na magpunta sa paaralan gaya ng laboratory classes.