Nasawi ang dalawang US Army Soldiers at isang civilian interpreter sa isinagawang ambush ng lone Islamic State gunman sa mga sundalong nagsasagawa ng joint US-Syrian patrol sa Central Syria.
Tatlo pang sundalong Amerikano ang nasugatan sa insidente habang nagsasagawa ang mga tropa ng isang “key leader engagement” nang mangyari ang pag-atake bilang bahagi ng counter-ISIS at counterterrorism operations sa rehiyon.
Ayon sa ulat, ang suspek ay napatay din ng partner forces ng US.
Nagpapatuloy naman ang pagsisiyasat ng mga awtoridad hinggil sa insidente batay sa pahayag ng U.S. Defense Secretary
May ilang daang US troops ang nananatili ngayon sa Eastern Syria bilang bahagi ng International Coalition laban sa ISIS.
Bagama’t natalo na ang ISIS noong 2019, patuloy pa rin ang mga pag-atake ng mga natitirang miyembro nito.





