--Ads--

CAUAYAN CITY– Dinakip ng mga kasapi ng Station 2 ng Santiago City Police Office ( SCPO ) ang dalawang wanted na lalaki sa Brgy. Villa Gonzaga, Santiago City.

Ang mga dinakip ay sina Richard Bayawa,30 anyos, isang garbage collector at Rodolfo Aliangan,59 anyos at kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, dinakip ang dalawa sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Genevieve Andrei Ewangan ng Municipal Trial Court In Cities Branch 1 ng Santiago City.

Nahaharap ngayong ang dalawa sa kasaong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Anti-Ilegal Gambling Law) na may nakalaang piyansang tig-P/2,000.00 para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

--Ads--